NAKU, Donita Rose! Sana eh mabasa mo ang column item naming ito!

Tuwang-tuwa kami nang ibinalita sa amin ni Ruffa Gutierrez, na isa sa true friends ni Donita, na malaki na ang ipinayat ng dating MTV Asia VJ.

Some months back, nag-react si Donita nang maisulat namin ang nakakalokang pagtaba niya.

Nag-attitude pa siya sa amin nang magkita kami sa birthday event ng panganay ni Ruffa na si Lorin Bektas.

Anyway, parating pa lang si Donita sa meeting place nila ni Ruffa ng makausap namin ang former Miss World se­cond princess at Cosmo Skin beauty ambassador, kaya hindi pa siya sure kung gaano na kalaki ang nabawas sa extra weight ng kanyang friendship.

Kahapon, tinawagan uli namin si Ruffa para kamustahin sa ‘balik-alindog’ program ni Donita.

Hindi namin makontak si Ruffa, kaya tinawagan na lang namin ang isa pa nilang friendship na nasa meeting din nila noong isang gabi para kamustahin kung talaga bang malaki na ang ipinayat ni Donita, huh!

“Yes, pumayat na si Donita. Compared noong two months ago, nabawasan na siya ng 15lbs. Siguro 10lbs pa, okey na okey na uli si Donita na mag-artista,” sey ng isa pa nilang friendship.

“Pero intindihin mo na lang si Donita noong nag-attitude siya sa‘yo dahil sa nasulat mo na pagtaba niya dahil ma­tindi ang pinagdaanan no’ng tao.

“Sobra-sobra ang depression noon ni Donita, pero okey na siya ngayon. Naka-recover na siya.

“Talagang napaba­yaan lang niya ang sarili niya, lalo na ang itsura niya, dahil sa matinding depression na pinagdaanan niya.

“Pero nakakatuwa na okey na okey na si Donita ngayon. At least, palagi niyang nakakasama ang friends niya, kaya madali rin naman siyang naka-recover,” sabi pa ng isang friendship ni Donita.

Ngayon daw eh inaasikaso na ni Donita ang sarili niya at nagpapaganda na uli.

May kinalaman sa hiwalayan nila ng non-showbiz husband niya ang dahilan ng depression ni Donita, pero ngayon nga raw, gustong bumawi na ng actress/TV host sa napabayaang sarili’t career.

***

Nakasabay namin sa isang coffee shop ang isang fashion designer na naging malapit sa isang dating sexy actress na hindi matatawaran ang kasikatan noong araw.

t-13-nawindang-cmykMaraming­ inaway si ­da­ting sexy actress, kaya inusisa namin si fashion­ ­designer kung nagkaroon din ba sila ng problema noong araw?

Walang matandaan si fashion designer, pero naloka siya dahil lately, may ibang nagdadamit na kay dating sexy ­actress.

Nang minsang mabasa niya ang ipinost nito sa Facebook, parang pinatatamaan siya.

“Parang ikinukum­para niya ako sa fashion designer na gagawa ng gown niya, pero kilala ko naman ang ugali niya, kaya hindi ko na lang siya pinatulan. Marami naman siyang inaaway, eh,” sabi ni fashion ­designer.

No comment na rin si fashion designer tungkol sa inamin ni dating sikat na sexy actress na “­laman” ang ibinebenta­ niya noon sa isang ­controversial na lugar.

5 Responses

  1. Sipsip talaga tong si Jun Tabatsoy sa mga Guttierez. Hanggang ngayon ba naman kailangan pang I kabit yung second princess title kay Ruffa? That was 23 freaking years ago. Second princess Lang at hindi nga nag first. Ang dami ng pumalit at may real title holder pa. Cguro kung naging Ms World pa cya baka forever ng hindi aalisin yung title na yun. Super duper big achievement na ba yung second princess? Let it go na tabatsoy. Ipahinga mo na yang title na yan. Nakakahiya naman sa mga real title holders.
    You had the nerve to call attention sa pagbaba ni Donita as if you were so slim. Helllloooooo
    Hahahahaha

    1. D m b alam na yan ang trabaho ni jun lalin, ang siya ang official na spokesperson/publicist ng mga guttierez. sinuswelduhan siya sa pagpapabango ng pangalan ng pamilya guttierez

      1. Is it me or you? Or mahilig ka Lang talaga sumawsaw? I was just stating facts. If you don’t know what it means there’s nothing I can do. Get out of your fantasy. Life is much better in reality.