Donita, nakaka-insecure ang taba

Donita Rose

NAGULAT kami nang may isang matabang babae na bumati sa amin ng, “Kuya Jun!” sa Greenhills, San Juan noong isang araw.

Natigilan at napaisip kami kung sino ang babaeng ‘yon.

Nang lumapit siya sa amin ay saka lang namin napagtanto na si Donita Rose pala siya, huh?!

Ang laki ng itinaba ni Donita.

Mabuti na lang at hindi na kami nag-aartista kundi mai-insecure kami at baka maagawan pa niya kami ng role sa matatabang characters sa mga teleserye.

Hahaha!

‘Kaloka lang talaga ang itinaba ni Donita at naisip na lang namin na marahil ay ‘yon ang epek­to sa kanya ng hiwalayan nila ng mister na si Eric Villarama, ‘noh?!

Actually, naikuwento sa amin ng talent coordinator ng Magandang Buhay ng ABS-CBN na they’re trying to get her to guest in the show noong mag-taping si Ruffa Gutierrez, pero nag-decline si Donita dahil tumaba siya at magpapapayat pa.

Sabi pa ng TC ng nasabing show, three weeks pa ang hinihingi sa kanila ni Donita bago mag-guest sa show, pero sa nakita ko, baka abutin ng three months bago bumalik sa da­ting alindog ang former MTV Asia VJ!

Nang saglit na nakatsikahan namin si Donita, aminado naman siya na tumaba siya kaya ayaw muna niyang tumanggap ng showbiz projects.

Pero kung kami kay Donita, gumawa muna siya ng isang showbiz proyekto na mala-Kusina ni Judy Ann Santos at saka siya magpapayat para maiba-iba naman!

Kahit ang taba nga­yon ni Donita, in fairness, super beautiful face pa rin siya.

Mukhang katawan lang ang pinabayaan niya sa paghihiwalay nila ng kanyang mister at maalaga siya sa kanyang face, ‘noh?!

Hindi na lang namin inusisa pa si Donita kung ano na ang update sa kanila ng estranged husband niya at baka ma-depress pa siyang lalo at mapakain na naman!

Joke!

Anyway, dapat panoorin ni Donita ang guesting ni Ruffa sa Magandang Buhay kung saan ang isa sa hosts ay ang kabarkada nila noong 90’s na si Karla Estrada.

Sa episode kasi na ‘yon ay napag-usapan ang pagkaka-link noon ni Ruffa kay Robin Padilla at pagkakabuntis ni Rommel Padilla kay Karla na ang na­ging bunga ay si Da­niel Padilla.

May part kasi roon na nabanggit na noong panahon palang ‘yon, si Rustom Padilla (BB Gandanghari na ngayon) naman ang ka-date-date ni Donita.

***

Kung sa nagtapos na afternoon series na All Of Me ay very provo­cative ang dating ng Kapamilya star wannabe na si Yen Santos at ang landi-landi ng hitsura niya sa mga eksena nila ni Albert Martinez at ni JM de Guzman (bago ito tsugihin sa series), aba, in real life pala, simpleng-simple siya.

Nasa isang mall kasi kami sa Cabanatuan City noong Miyerkules at nakita siya ng kasama namin at nagpa-picture.

Kami naman, dedma at hindi namin siya namukhaan.

Although maganda ang da­ting ni Yen sa amin, wala ‘yung landi na napanood namin sa kanya sa All Of Me at very sweet lang ang dating niya sa amin that time.

Tinanong pa namin ang pa­ngalan niya at nang sabihin niya na siya si Yen Santos ay saka lang namin na-realize na siya nga pala ‘yon.

Sa tingin namin ay mabait itong si Yen dahil obviously ay hindi siya na-offend nang tanungin namin ang pa­ngalan niya.

Malayo siya sa ibang feeling star na kaagad, huh!

Si Yen nga pala ang magbibida sa bagong teleserye ng Kapamilya network, ang Because You Love Me.

Pag-aagawan siya roon nina Gerald Anderson at Jake Cuenca.