Donita, nakakaaliw ang ismid

Donita Rose

PARANG mas gusto na lang naming maaliw kesa mairita kay Donita Rose, huh!
Nang magkita kami sa post birthday celebration ni Lorin Bektas sa Director’s Club Cinema sa S Maison ng Conrad Manila, nag-emote-emote siya.

Sinabi niya kay Ruffa Gutierrez (na katabi namin sa magandang reception area ng sinehan) na nagtatampo siya sa amin dahil may isinulat kami na hindi niya nagustuhan.
Naisulat namin ang sobrang katabaan niya nang magkita kami some weeks back.

Hindi nagustuhan ni Donita na isinulat namin na nakaka-insecure ang kanyang katabaan, ‘noh?!
Sabi namin kay Donita, kaya namin isinulat ‘yon ay para ma-inspire siya na mag-diet at mag-exercise para bumalik na uli ang dating magandang figure niya.

Paismid-ismid pa sa amin si Donita at mas­yadong sineryoso ang isinulat namin, huh!
Kami naman, dedma na lang!
Hello, ayaw naming patulan ang pag-emote-emote ni Donita dahil ‘yung isinulat namin tungkol sa kanyang katabaan ay nothing personal!

Mas mataba kami kay Donita. Ang kaibahan, hindi namin puhunan sa pagsusulat ang katawan at mukha namin, unlike her na nakilala sa showbiz dahil sa kanyang kagandahan.
Feeling namin, napagod si Donita sa kaiismid dahil hindi na namin siya pinansin!

Bakit ba naman namin papansinin ang pag-emote-emote ni Donita, eh, sa totoo lang, sa dami ng isinulat naming maganda tungkol sa kanya, hindi siya nagpapasalamat tuwing nagkikita kami.

Nang may maisulat kami na hindi niya nagustuhan, pati common friends namin eh ginambala niya sa kae-emote niya, ‘noh?!
Anyway, naging mabait naman noon sa amin si Donita, kaya palalampasin na lang namin ang pagda-“drama” niya kaugnay ng naisulat namin.

In fairness, medyo malaki na ang ipina­yat ni Donita nang makita namin siya sa post birthday celeration ni Lorin.
Inisip na lang namin na baka na-inspire si Donita na magpapayat na dahil sa naisulat namin tungkol sa kanyang katabaan noong makita namin siya.

***

May JaDine fans pala na pupunta ng Santorini, Greece para dalawin sina James Reid & Nadine Lustre na nagte-taping doon ng ABS-CBN teleserye na ‘Til I Met You.

Kahit sinasabing may pagkaisnabero si James, aba, katulad ni Nadine, very accommodating ang binata sa fans nila ng kanyang sweetheart, ‘noh?!

***

Accommodating din sa fans sina Alden Richard at Maine Mendoza.

Noong nag-shoo­ting sila sa Italy para sa Imagine You and Me, may pagkakataon pa pala na pinagbigyan nina Alden & Maine na maka-dinner ang kanilang fans!