Donna katabi pa rin sa kama ni Direk Carlo

HINDI pa nakakapag-move on si Direk Carlo J. Caparas sa pagpanaw ng misis niyang si Donna Villa noong January 17.

Aksidenteng nakita namin sa isang coffee shop sa Greenhills, San Juan ang assistant producer ng mag-asawa, si Nene Mercado, at ito ang nagkuwento sa amin na ipinagluluksa pa rin ni Direk Carlo ang yumaong misis.

“Sa Cebu pa rin namamalagi si Direk Carlo, sabi niya sa akin, hihintayin muna niyang makapagbabang-luksa sila at saka siya magtatawag ng meeting para makapag-start ng new project,” kuwento ni Tita Nene.

Ipinakita rin sa amin ni Tita Nene ang litratong ipinadala sa kanya ni Direk Carlo kung saan katabi nito sa kama mga litrato ni Tita Donna. Kalahati nga ng kama ng mag-asawa ay punumpuno ng iba’t ibang litrato ni Tita Donna.

“Hayan, katabi pa rin ni Direk Carlo si Tita Donna mo. Puno talaga ng mga litrato ni Donna ang kalahati ng kama nila,” sabi pa ni Tita Nene.

Sa Cebu inilibing ang mga labi ni Tita Donna at kasama raw roon ni Diek Carlo ang mga anak nila na sina CJ at Peach.

Well-loved sa showbiz si Tita Donna, kaya marami sa mga nakasama ng actress/producer sa industriya ang inalala at ipinagdasal siya ngayong Undas!

Boy Abunda ligtas sa ‘act of terror’ sa Manhattan

MAY ‘act of terror’ na namang naganap at ngayon ay nangyari ‘yon sa Lower Manhattan sa New York City. Isang truck driver ang sumagasa sa ilang tao at walo ang kumpirmadong namatay.

Dahil nagbabakasyon sa New York City si Boy Abunda (na nag-celebrate roon ng kanyang birthday), marami ang nag-worry para sa TV host/manager.

Pero ayon naman sa assistant niyang si Phillip Rojas, safe na safe naman sila dahil nang mangyari naman ang sinasabing ‘act of terror’ na ‘yon ay wala na rin sila sa NYC at nasa Los Angeles, California na.

Kasama rin nila sa trip na ‘yon ang long-time love ni Kuya Boy na si Bong Quintana at pare-pareho nilang ipinagdasal ang mga namatay sa Lower Manhattan.