Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means nitong Lunes, Pebrero 4, ngayong taon ang probisyon ng panukalang ‘Political Party Development Act’ para mailibre ang ‘donor’s tax’ sa lahat ng campaign contribution ng mga partidong politikal.
Walang kumontra ng aprubahan ang Section 11 ng substitute bill o mula sa pinagsama-samang House Bill No. 522, 697, 1695, at 7088.
Isinasaad din sa probisyon ang pagpapahintulot sa P1M maximum campaign contribution mula sa ‘natural person’ at P10M maximum contribution na manggagaling sa ‘juridical person.’
Ipagbabawal naman ang kontribusyon na manggagaling sa mga dayuhan.
Noong Oktubre 10, 2018 ay nauna ng inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang iba pang mga probisyon ng panukala.
Kabilang na rito ang pagpapataw ng parusa sa mga balimbing o mga politikong mahilig maglipat-bakod ng partido.
Puntirya din ng panukala na bumuo ng State Subsidy Fund (SSF).