julius-segovia

Normal na at kung minsa’y hindi talaga naiiwasan ang heart attacks at iba pang cardiovascular diseases sa mga nagkaka-edad.

Katunayan, sa pinakahuling pag-aaral ng Canadian Medical Association – stroke at cardiovascular diseases pa rin ang isa sa nangu­ngunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo.

Pero wala na rin daw itong pinipiling edad. Pati mga bata o young adult, puwede na ring tamaan ng heart disea­ses. Ang masaklap, kung minsa’y wala raw itong sintomas.

May ilang sintomas na ibinigay ang mga eksperto para sa early detection ng heart di­seases. Para ang mga bata, hindi mabulaga sa mga sakit na dulot nito.

Pananakit at paninikip ng gitna o kaliwang bahagi ng dibdib. Kapag madalas itong maramdaman, agad nang pumunta sa ospital. Posibleng may bara ang iyong artery.

Isa pang sintomas ng heart di­sease ang pananakit o kakulangan ng ginhawa ng iyong mga braso, likod, ­panga at tiyan.

Kung madalas ka ring hingalin o mapagod kahit wala naman mas­yadong ginagawa, agad ding komunsulta sa cardiologist.

Huwag magdala­wang-isip na sumangguni sa eksperto para sumailalim sa ECG o electrocardiogram – kaya nitong ma-detect ang possible heart attack.

Ang sa akin lang, ‘prevention is better than cure.’ Mainam pa ring magkaroon ng healthy lifestyle. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Iwasan ang mga bisyo gaya ng yosi at alak. Ugaliing mag-ehersisyo araw-araw. Higit sa lahat, re­gular na magpa-check up sa doktor.