Itinanggi ng isang opisyal ng Department of Tourism (DOT) na kinopya ang konsepto ng ­‘Experience the Philippines’ ad sa isang lumang patalastas ng South Africa.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Fre­derick Alegre, sa kabila ng may pagkakahalintulad ang dalawang ads, ibang-iba aniya, ang kanilang tourism ad dahil ang taong bida rito ay isang ‘real-life retiree’ na sa Pilipinas piniling manatili.

Ang tinutukoy na tourism video ng DOT, ay inilabas nitong Lunes, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na nagpapa­kita sa bulag na Japanese retiree na si M. Uchimura, na naglilibot sa mga kilalang tourist spots sa bansa.