Kinontra ng Department of Tourism (DOT) ang panawagan ng Department of Health (DOH) na iwasan ang mga pampublikong pagtitipon at mga kasiyahan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus-2019 (COVID-19).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, magpapalabas ng joint memorandum circular ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at DOT na humihikayat sa mga local government na magsagawa ng mga event para mawala ang pangamba at takot ng publiko sa COVID-19.
“We also agreed among the DOH and the DILG regarding the fiestas, events, celebrations. We agreed we’ll be implementing a joint circular among the three agencies that it is all right to conduct such activity as long as precautionary measures are implemented,” ayon kay Romulo-Puyat.
Tiniyak rin ni Romulo-Puyat na ang lahat ng kanilang stakeholders sa Tourism industry ay nagpatupad na ng mga hakbang bago pa man nagpatupad ng travel ban sa Taiwan.
Nagpahayag rin ng kasiyahan ang DOT sa ginawang pag-alis ng kontrobersiyal na travel ban sa Taiwan. (Juliet de Loza-Cudia)