Sinalo na ng Department of Tourism (DOT) ang trabaho para alalayan ang mga SEAG athlete at delagado sa kanilang tutuluyang hotel at ibang concern na hindi natugunan nang maayos ng Philipppine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunaun ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
“The Department of Tourism alongside our tourism stakeholders from the Tourism Congress of the Philippines (TCP), remains committed to implementing the best practices in welcoming international guests to the country,” sabi pa sa statement ng DOT.
Nagtalaga ang DOT ng mga tauhan sa lahat ng mga airport reception at departure activity para asistehan ang lahat ng mga delegado at atleta sa pakikipagtulungan ng Phisgoc.
“Through the TCP, we are also now in touch with the hotels and related industries engages in the SEA Games,” ayon pa rin sa statement.
Samantala, nanawagan ang DOT sa publiko at sa lahat ng Pilipino na magkaisa upang ipakita at ipadama sa mga dayuhang bisita ang pagiging hospitable ng mga Pinoy na isang katangian na kilala ang mga Pilipino.
“We call on everyone to unite and live up to the Filipino brand of service and fun that we are known for. Let us rise to the occasion and put our best food forward,” ayon pa sa rin pahayag.
Magugunita na umani ng negatibong reaksyon sa mga delegadong kasapi sa SEAG gayundin sa social media ang dugyot na pa-welcome at palpak na accommodation.
Samantala, ayon kay Philippine Football Federation president Mariano ‘Nonong’ Araneta, nag-alok na rin ng tulong ang Southridge School sa Alabang na ipagamit ang kanilang ‘artificial pitch’ na maging practice venue sa mga SEAG tournament habang ang Vallacar Transit na nagmamay-ari ng Ceres Bus line ay nagpahiram ng 18 bagong bus para ibiyahe ang mga atleta sa kanilang mga laban. (Juliet de Loza-Cudia)