DOT proud! Mactan-Cebu airport panalo sa World Architecture Fest

Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang koponan sa likod ng Mactan Cebu International Airport Terminal 2 dahil sa pagkakapanalo ng top prize sa Comple­ted Buildings-Transport category sa World Architecture Festival sa Netherlands.

Ang kaganapan, na tinawag bilang pinakamala­king live, inclusive, at interactive global architectural awards prog­ram ay pagdiriwang na ginanap sa Amsterdam noong Disyembre 4 hanggang 6.

Sa ilang mga tala ng mga judge, ang terminal ay pinarangalan para sa ‘simple and elegant’ structure.

Ang internal spaces sa paliparan ay inilarawan bilang magaan at hindi pa nababago at ang disenyo ay may kakayahang magpalawig sa hinaharap. Malinaw na sikat ito sa lokal na pamayanan at nagtatag ito ng isang ‘di malilimutang paglalakbay at karanasan.

Ang terminal ay dinisenyo ng kompanya ng arkitektura na nakabase sa Hong Kong na Integrated Design Associates na may suporta mula sa Budji + Royal at Kenneth Cobonpue at isang proyekto ng Megawide Corp. at GMR Group ng India.

“With Mactan being the second busiest international airport in the Philippines, this architecturally astounding building serves as an important gateway to the Phi­lippines,” ayon sa statement ng DOT.

Sumang-ayon ang ahensiya na kabilang sa mga kalakasan nito ay ang simpleng kagandahan, ang makabagong paggamit ng parehong foreign at locally-sourced materials, at ang pagkakatugma sa paligid.

“The building’s roof is meant to represent the ocean, while its expansive and exposed internal structure reminds one of the hull of a boat; its brightness and openness of space, deeply symbolic of the Filipinos’ welco­ming nature,” dagdag pa ng kagawaran. (Mina Aquino)