DOT umapela sa publiko: Kumalma kayo!

Kasunod ng paglobo ng kaso ng mga tinamaan ng coronavirus disease-19 ­(COVID-19), nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa lahat na manataling kalmado at iulat sa mga local health authority ang anumang kahina-hinalang kaso.

Nakikipagtulungan umano ang DOT sa Department of Health na nangunguna sa Inter-Agency Task Force (IATF) na nagpaplano para maiwasan ang COVID-19.

“Needless to say, the DOT has the safety and well-being of visitors and locals as its utmost priority. As such, it will continue to coordinate and work closely with the IATF, partners from other government agencies and the private sector to mitigate the impact of the disease,” ayon sa DOT.

Dagdag pa nito, patuloy umano ang departamento para magbigay ng mga health protocol sa mga paliparan, hotel iba pang establisimiyento upang maipakalat ang mga precautionary measure.

Kabilang ang paglalagay ng mga thermal scanner, hand sanitizer sa lahat ng pasukan ng gusali, tamang paghahanda ng pagkain, at iba pang paghahanda kontra COVID-19.