DOTr humirit ng dagdag pondo sa palit-jeep

Ipinaliwanag ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport Mark de Leon na kailangan ng kanilang ahensiya ng karagdang pondo para mabigyan ng subsidiya ang mga operator ng jeep na maaapektuhan sa public utility vehicle modernization program (PUVMP).

Kaugnay ito ng panukalang batas ni Quezon City Rep. ­Winston Castelo na nag-aatas sa mga opisyal ng transport-related agency tulad ng DOTr, Metropo­litan Manila Development Autho­rity (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumakay sa mga pampublikong sasakyan isang beses kada buwan.

Wala umanong problema kay De Leon kung mag-commute dahil una na niya itong nagawa bago pa siya umasok sa ahensiya. Giit pa ng opisyal, ang PUVMP ay nakatuon din sa panga­ngailangan ng mga pa­sahero kaya hiling nito sa mambabatas na huwag nang mangamba sa kanilang programa dahil layunin din nila na matulungan ang mga jeepney operator at drayber na sumunod sa programa.

Matatandaang nag­laan ng P447 milyon ang pamahalaan para sa implementasyon ng programa ng DOTr at dagdag na P2.2 bilyon naman para sa low-cost finan­cing na layong matulungan ang mga PUV ope­rator.