Naunang kong inilahad na nakakadismaya kung bakit hindi unahin ng gobyerno partikular ng Department of Transportation (DOTr) ang paggawa ng isang mala­king international airport sa ating bansa.

Inuuna ngayon ng DOTr ang mga proyekto na magsasaayos sa mass transport system ng bansa partikular dito sa Metro Manila.

Heto ang tugon ni Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran:

“Sir Ely, read your article in Abante. Inaasikaso naman po ng DOTr ang mga airport projects natin. Napakarami nga po na for inauguration/opening na. Ang NAIA Terminal 2 ongoing ang rehabilitation. Yung sa Bulacan and Sangley, parehas naman na umuusad. In fact ang Sangley proposal nasa NEDA na. Ang Bulacan Airport naman, inaayos na lng ang terms of refe­rence for the SWISS Challenge.”

Sa ngalan ng patas na pamamahayag ay minabuti kong ilabas ang depensa at paliwanag ng DOTr sa usaping ito.

Pero sa aking paniniwala, dapat ay isang malaking international airport ang pagtuunan ng pansin ng DOTr at ating ihahambing ang napakalaking international airport sa bansang Thailand.

Sa Thailand, isa sa pangunahing problema ay ang masikip na trapiko tulad sa Metro Manila at iba pang siyudad sa bansa.

Eh ang diskarte ngayon ng ating DOTr ay maliliit at hiwa-hiwalay.

Isa sa posibleng pagtayuan ng mala­king airport ay ang Clark, Pampanga na mas nakakabawas sa problema sa trapiko sa Metro Manila kung nasa labas ng siyudad ang malaking international airport.

Bakit kailangan pang magtayo ng airport sa Bulacan at Cavite kung mas makakabuting magtayo ng mas mala­king international airport?

Mas magkakaroon pa nga ng kalituhan sa mga dayuhang turista kung hiwa-hiwalay ang maliiit na airport na gustong mangyari ngayon ng DOTr.