Nagtala ng magkahiwalay na panalo ang San Beda upang sikwatin ang seniors­ at juniors crown ng 92nd NCAA football tournament sa Rizal Memorial Footbal­l Field kahapon.

Sumapat ang 1-0 para pataubin ng Red Booters ang College of Saint Benilde at sikwatin ang 22nd title habang hinablot ng Juniors squad ang pang-17 k­ampeonato matapos biguin ang last year’s title holder La Salle-Greenhills, 5-1.

Naging bayani sa pagkakapanalo ng seniors team ng San Beda si Fil-Brit Connor­ Tacagni matapos isalpak ang kaisa-isang puntos sa laban.

“We cherish this win because it came against St. Benilde,” wika ni San Beda coach Michael Pediamonte.

Sinagasaan lahat ng Red Booters ang nakalaban at tinapos nila ang season via 13-match sweep.

Ito rin ang ika-22 men’s football championship ng San Beda, pinakamarami sa kasaysayan ng NCAA.

May halong suwerte ang pagkakapuntos ni Tacagni na taga-Manchester, ­England, sa iba dumaan ang bola pero swak pa rin.

“I was just trying to get into the box but it went in. I guess I was a little bit lucky,” sabi ni Tacagni na ang ina ay Filipina.