Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — TNT vs. Phoenix
7:00 p.m. — GlobalPort vs. SMB

Bakbakan ang mga maiinit na TNT KaTropa at Phoenix taya ang kani-kanilang winning streaks at pagpasok ng FuelMasters sa playoff seat sa Oppo PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kay Mario Little ay 4-0 start ang league-leading TNT (5-0) kay Mario Little, pero pinalitan pa rin ni Mychal Lemar Ammons. Noong Sabado ay kumana si Ammons ng 18 points at 18 rebounds at ni­lampaso ng KaTropa ang Eric Dawson-less Blackwater 109-89.

Masusukat si Ammons mamaya kay Eugene Phelps at sa nasa eighth spot na FuelMasters (2-3). Mula sa 0-3 start sa season-ending tournament ay 2-0 na ang Phoenix tapos palitan ni Phelps si Marcus Simmons, kasama ang 100-94 laban sa Mahindra anim na araw na ang nakakalipas.

Sa main game ay salpukan ang nakaupo sa second place na defending champion San Miguel Beer (4-1) at isa sa tatlong kasalo sa ninth place na Globalport (1-4). Ang Beermen at Batang Pier ang na­ngibabaw sa dalawang klasikong larong dinesisyunan sa pamamagitan ng double overtime noong Linggo.

Sa pagbabalik ni top forward Arwind Santos, alpas ang SMB sa Ginebra 111-105 samantalang eskapo ang GlobalPort sa Meralco 126-123.

“I’m happy Arwind returned into action and still in great condition coming from a long hiatus,” sabi ni San Miguel coach Leo Austria. “Actually, all my players showed they’re in great shape. That’s the big key in our win against Ginebra.”

Bagong salta sa Batang Pier si veteran free agent Sunday Salvacion kapalit ni Gab Banal.

“We have a new system and we’ve done a lot of adjustments. Finally, it worked and hopefully it continues to work,” ani Global coach Johnedel Cardel.