Nasugatan ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao Del Sur at driver nito matapos tambangan sa Digos City, Davao del Sur.

Kinilala ng pulisya ang biktimang sina Engineer Nicomedes Parilla, Jr. at driver nitong si Jerry Calisa.

Sa report ng pulisya ay nangyari ang pananambang kahapon ng alas-otso ng umaga.

Habang sakay ng kanyang pickup ang opisyal na minamaneho ng kanyang driver at patungo sana sa kanyang opisina nang bigla silang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki.

Nabatid kay Police Lt. Col. Vici Anthony Tababa, officer-in-charge ng Digos City police, na ilang ulit pinagba baril ang passenger side ng pick up kung saan nakaupo si Parilla.

Agad namang naisugod sa ospital ang DPWH chief na nagtamo ng sugat sa tiyan, tuhod at balikat. Sugatan din ang driver ni Parilla sanhi ng tama ng bala sa kaliwang balikat. (PNA)