Dra. Belo, 4 ang wedding gowns

Dra. Belo at Hayden

KAHAPON ang 50th birthday ni Ogie Alcasid at nasa Paris, France na sila ng misis na si Regine Velasquez-Alcasid noong Sabado pa kasama ang anak na si Nate.

Kasama rin nila roon ang panganay ng singer/songwriter kay Michelle van Eimeren, si Leila Alcasid.

Walang tulugan si Ogie after his successful birthday concert, ang NakakaLokal sa KIA Theater noong Biyernes.

Maagang-maaga ng Sabado ay lumipad na sila pa-Paris (via Hong Kong).

Si Nate ay sobrang happy na kasama siya sa bakasyon na ‘yon dahil mahilig ang bata sa planes.

Sabi ng golden boy, sobrang saya si Nate sa pagsakay nila ng plane.

Sa sobrang hilig kasi ni Nate sa planes, karamihan ng kanyang laruan ay ganoon.

May pagkakataon din na pinagawan siya ng pilot uniform ng kanyang nanay para sa isang event sa school.

Anyway, kasama rin nilang nag-celebrate ang isa pang anak ni Ogie na si Sarah at ang ex-wife niya na si Michelle.

Kuwento ni Ogie, noon pang Agosto 16 ay nasa Paris na sina Michelle at Sarah.

Para sa kanyang birthday sa Paris, nag-book lang ng reservation si Ogie sa iba’t ibang restaurants doon.

“Saka some sight seeing na rin around Paris,” sey ni Ogie.

A-attend si Ogie at ang kanyang pamilya ng kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa Paris sa Sabado.

***

Dra. Belo at Hayden
Dra. Belo at Hayden

Nasa Paris na si Zsa Zsa Padilla na sobrang close kay Dra. Vicki.

Via Dubai, United Arab Emirates ang flight ni Zsa Zsa at nakasabay niya ang fashion designer na si Michael Cinco.

Sa Dubai based si Michael na siya ring gumawa ng apat na wedding gowns na gagamitin ni Dra. Belo sa kasal nito kay Dr. Hayden.

***

Noong Sabado ay sama-sama sa Asia Pop Comicon Manila sa SMX Convention Center ang cast ng La Luna Sangre ng ABS-CBN sa pangunguna ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at Richard Gutierrez.

Dinumog ng fans ang La Luna Sangre cast sa event na ‘yon.

Dahil long weekend, after no’n ay lumipad si Richard kasama ang fianceé na si Sarah Lahbati at anak nila na si Zion Lahbati pa-Bohol (Escaya Resort).

Enjoy na enjoy sila sa bakasyon na ‘yon na ayon kay Richard ay much needed quality time with his family.

Masaya sila ni Sarah na nakikitang nae-enjoy ni Zion ang bakasyon na ‘yon lalo na ‘yung magkakasama silang nagsu-swimming.

Pagbalik ng Maynila bukas ay mabi-busy na naman si Richard sa taping ng La Luna Sangre at si Sarah ay may ibang trabaho.