ISA si Manay Lolit Solis sa mga pupunta sa Paris, France ngayong Setyembre para sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr.
Sa tsikahan namin kahapon ni Manay Lolit, sinabi niyang naniniwala siya na totoo ang pagmamahalan nina Dra. Vicki at Dr. Hayden.
Masaya siya na mauuwi ‘yon sa kasalan, kahit noong una ay maraming nagdududa sa sincerity ng relasyon ng dalawa.
“Pagkatapos kong mabasa ang love story ni France President (Emanuel) Macron sa dating drama teacher niya, ngayon ako naniniwala sa pagmamahalan nina Vicki at Hayden.
“Eh, ‘di ba nga, akala pa noong una, ‘yung anak ng teacher niya ang gusto ni Pres. Macron, pero ‘yung teacher pala talaga niya. How sweet!” ang parang nai-in love rin na sey ni Manay Lolit.
Sabi pa ni Manay Lolit, naniniwala siya na tunay ang pagmamahal ni Dr. Hayden kay Dra. Vicki.
“Sa pag-ibig naman, walang imposible, ‘noh?! So, hindi imposible na mahal talaga ni Hayden si Vicki at naniniwala ako roon!
“Ang iba lang sa atin ang hindi basta naniniwala na puwedeng mahalin ng mas batang lalaki ang mas may edad na babae!” pakli ni Manay Lolit.
Teka! Sa edad ni Manay Lolit na magse-70 y/o na sa Mayo 20, posible rin kayang ma-in love pa siya sa mas bata sa kanya?
“Hahaha! Yuck, parang kadiri, pero sige, kung si Song Yoong Ki (favorite Korean actor niya) ang mag-aalok sa akin ng kasal, papayag ako kaagad.
“OK lang kahit ano pa ang isipin ng mga tao, basta si Song Yoong Ki!
“Pero kung iba, ayoko! Hahaha!” bulalas ni Manay Lolit.
Going back to Dra. Vicki and Dr. Hayden’s wedding, nangako si Manay Lolit na a-attend siya at titira siya sa lugar ng famous beauty surgeon.
Handang-handa na siya sa pagpunta sa Paris.
“Sabi kasi ni Vicki, ‘Manay, hindi ka nagpunta sa wedding ni Cristalle (Belo-Pitt), kaya kailangan um-attend ka sa wedding namin ni Hayden!’
“Eh nakapangako na ako, kaya naka-concentrate na ang utak ko na pupunta talaga sa Paris ngayong September para sa wedding na ‘yon.
“Siyempre, excited na ako dahil excited palagi si Vicki kapag ang nalalapit na wedding nila ni Hayden ang pinag-uusapan, ‘noh?!
“Knowing, Vicki, for sure, star-studded ang wedding nila ni Hayden!” dagdag ni Manay Lolit.
***
Kahit pala obvious na ang relasyon nina Angel Locsin at Neil Arce, ‘exclusively dating’ pa rin ang label ng mga kaibigan nila sa samahan ng dalawa.
Si Neil, hindi pa rin daw open na pag-usapan ‘yung sa kanila ni Angel.
Ayaw um-attend ng business/producer sa nalalapit na birthday party namin dahil “pagpipiyestahan” daw siya ng mga reporter na ang ibig sigurong sabihin ay uusisain siya tungkol sa kanila ni Angel.
Teka! Mamaya makikita namin si Angel sa isang ‘event’ na hindi pa puwedeng sabihin, kaya ang aktres na lang ang uusisain namin kung ano na ba ang update sa sinasabing ‘relasyon’ nila ni Neil!
***

Naba-bash pa rin pala si Kris Bernal dahil sa kapayatan niya.
Noong una, medyo nagkalaman na si Kris, pero lately, sa mga pictorial niya, lalo na ‘yung naka-bathing suit siya, payat na naman ang dating niya.
Pero sabi ni Kris, hindi niya sinasadya ang sobrang pagpayat, kaya hindi siya dapat i-bash dahil doon.
Kadalasan pala, naiiyak na lang si Kris kapag naba-bash dahil sa kanyang kapayatan!
Siyanga pala, malamang na sa Hunyo o Hulyo pa mapapanood si Kris sa isang regular series.
Sa Hunyo pa magre-resume ang taping ng Impostora, ang bago niyang afternoon series sa GMA 7.
Paris trip ni lola Lolit courtesy of her ‘best friend’ Dra.Vicky Belo uli.