Noong Linggo, 4:00 AM pa lang ay nasa labas na kami ng St. Peter’s Square at naghihintay na buksan ang barikada na nakaharang para makapasok sa loob.

Maaga kami, pero maraming mas maaga sa amin dahil natulog na sila roon para siguradong mauna sila sa linya.

Ilang oras ang aming pinaghintay at sumikat na ang araw bago nagpapasok sa loob kung saan ginanap ang canonization ni St. Teresa of Calcutta.

Puno ang naturang lugar, pero hindi nagka­kagulo ang mga tao. 10:00 AM nagsimula ang misa.

Napakarami naming ipinagdasal doon. Kasama sa mga pinagdasal namin ang pamilya Gutierrez na pinakamalapit sa amin sa showbiz.

May mga bilin si Annabelle Rama na idasal namin para sa pamilya niya especially kay ­Richard Gutierrez.

Ang text sa amin ni Tita Annabelle, huwag na namin siyang ibili ng pasalubong basta maipagdasal lang namin during St. Teresa of Calcutta’s canonization ang mga bilin niya sa amin.

Ang talent manager na si Jojie Dingcong, bukod sa kanyang mga alaga, hiniling na ipagdasal namin ang mga malalapit sa kanya na sina Dra. Vicki Belo at MVP (Mr. Manny V. Pangilinan).
Hindi lang si Jojie ang humiling ng dasal para kay Dra. Belo kundi marami pang iba na malapit sa lovey-dovey ni Dr. Hayden Kho Jr.

vatican-pope-001
Blessing ni Pope Francis

Noong ka-text namin si Dr. Belo, ipinangako rin namin na ipagdarasal namin siya for good health.

Humiling din sa amin ang dating PBB housemate at malapit na kaibi­gan na si Say Alonzo ng dasal dahil nakatakda siyang magpa-check-up kahapon.

Naipangako rin namin kay Harlene Bautista na ipagdarasal namin ang kapatid niyang si Hero Bautista na sumasailalim ngayon sa voluntary drug rehabilitation.

Ang pamilya Bautista ang isa sa unang pamil­yang pinakanaging malapit sa amin noong 1987 na nagsisimula pa lang kaming magsulat.

Hindi rin naming kinalimutang ipagdasal ang napakarami pang stars, singers, producers (yes, Mother Lily Monteverde, nagdasal po kami para sa lalo ninyong ikakasigla), managers, mga katrabaho sa showbiz, personal friends, family at iba pa.

Indian Christians pay their respects at a statue of Mother Teresa as they arrive to attend the special mass in her honour at the  St. Mother Teresa Church in Virar some 72 km north of Mumbai on September 4, 2016, as she was canonized at the Vatican. The revered nun’s elevation to Roman Catholicism’s celestial pantheon came in a canonization mass in St. Peter’s square presided over by Pope Francis in the presence of 100,000 pilgrims. ( AFP Photo / Indranil Mukherjee)
Indian Christians pay their respects at a statue of Mother Teresa as they arrive to attend the special mass in her honour at the St. Mother Teresa Church in Virar some 72 km north of Mumbai on September 4, 2016, as she was canonized at the Vatican. The revered nun’s elevation to Roman Catholicism’s celestial pantheon came in a canonization mass in St. Peter’s square presided over by Pope Francis in the presence of 100,000 pilgrims. ( AFP Photo / Indranil Mukherjee)

Ipinagdasal din namin doon ang yumaong young actor na si AJ Perez na hindi namin kinakalimutang ipagdasal mula nang pumanaw siya sa isang car accident noong 2011.

Ipinangako namin sa tatay ni AJ na si Gerry Perez na hindi namin kalilimutang ipagdasal si AJ tuwing magsisimba kami dahil naging napa­kabait niya sa amin noong nabubuhay pa siya!

Hindi rin namin nakalimutang ipagdasal ang Monica Publishing Corp. na publisher ng Abante at Abante TONITE pati ang editor namin na si Jerry Olea.

***

VATICAN CITY — Sa madalas naming pagbibiyahe, ang lugar na ito ang noon pa namin pangarap na marating.

Noong isama kami ni Ruffa Gutierrez three years ago para sa cover pictorial niya ng Metro glossy magazine sa Flo­rence, Italy, plinano namin na makapunta rito para makapagsimba, pero hanggang sa Milan lang namin nagawang makapagsimba.

Ang pangako namin sa aming sarili, sasadyain talaga namin ang lugar na ito para makapagsimba.

Noong Hulyo, nakausap namin ang ilang kaibigan na papunta sa lugar na ito para sa canonization ni Mother Teresa ng Calcutta, India.

Naisip namin na sana, makasama kami sa kanilang grupo, na kaagad namang nagkaroon ng positibong kasagutan dahil isa sa mga malalapit sa amin na kausap namin that time ang nagsabing isasama niya kami rito.

Right then and there, ibinook kami ng flight ng kaibigan namin papunta rito (via Doha, Qatar at Paris, France) na sobrang ikinasaya namin.

Hindi lang ang pangarap namin na makarating dito ang natupad kundi nagawa pa naming maka-attend ng canonization ng pinakabagong Saint ng Simbahang Katolika.

***

Isa sa mga kasama namin sa grupo na um-attend ng canonization ni St. Teresa of Calcutta ay si Bro. Carmelo Cortez, member ng Commission of Liturgist ng Diocese of Malolos, Bulacan.

Miyembro rin ng Cultural Heritage and Pre­servation ng Italy at Order of The Knights of The Pope of St. Silvester si Bro. Carmelo, kaya siya ang tumulong sa grupo namin para makakuha ng tickets sa canonization noong Linggo.

Sabado pa lang, nakapunta na kami sa loob ng St. Peter’s Square dahil sa kanya.

Bukod sa iniikot kami ni Bro. Carmelo, ipinaliwanag din niya sa amin ang iba’t ibang lugar sa loob ng St. Peter’s Basilica, pati na ang iba’t ibang Basilica sa lugar na ito na pinuntahan namin.

***

Nang matapos ang mass ng past 12:00, naghintay na ang lahat kay Pope Francis na iikot sa St. Peter’s Square para basbasan ang mga um-attend sa nasabing canonization.

Dahil nasa bandang harap kami, sobrang natuwa kami nang dumaan sa harapan namin ang Pope.

Itinaas din namin ang religious items namin para ma-bless ng Pope kasama ang mga pinabili sa amin ni Manay Lolit Solis na naunang nagbilin sa amin ng religious articles at nagsabing ipagdasal namin siya pati ang mga taong malalapit sa kanya.

Isa si Manay Lolit sa tuwang-tuwa nang malamang makakapunta kami sa Vatican para sa cano­nization ni St. Teresa of Calcutta.

Noong unang makapunta kami sa Amerika, isa si Manay Lolit sa u­nang natuwa para sa amin.

***

Bago ang canonization ni St. Teresa of Calcutta, nangyari ang kaguluhan sa Davao City, kaya ang mga biktima at mga tao roon ay hindi rin namin kinalimutang ipagdasal.

Isinama rin namin sa aming mga dasal ang ating Presidente Rodrigo Duterte at sana ay magkaroon ng peace sa ating bansa!