tonite-pak-allan-diones

Sumusumpa ang aming informant na nanganak na ang isang drama actress (DA) na napapabalitang buntis.

 

Nu’ng first week of March pa kami binalitaan ng informant namin na nagsilang na raw ng sanggol si DA sa isang kilalang ospital dito sa Metro Manila.

 

Hindi kami kumbinsido sa chika ng informant namin lalo pa’t wala siyang maipakita sa aming ‘resibo’ na ibig sabihin ay pictures o video o anumang katibayan ng kanyang kini-claim.

 

Sey ng aming informant, bantay sarado hindi lang ng mga doktor kundi ng mga consultant ng nasabing ospital si DA. Ang mga ito raw ang nag-asikaso ng lahat.

 

Giit pa ng informant namin, mga bigating doktor ng nasabing ospital ang nag-tip sa kanya ng inside info na ‘yon.
Kamakalawa ay muling ibinalita sa amin ng informant namin na kumpirmadong nanganak na si DA sa ospital na ‘yon.

 

Hindi pa rin kami convinced dahil wala ngang patunay na totoo ang sinasabi niya. At saka ano ‘yon, wala man lang nakakita kay DA?

 

Sa panahong ito na talamak na ang social media at halos lahat ay may ­kamera ang mga celfone, parang mahirap itago sa publiko ang ganu’n ka-major na kaganapan, huh!

 

“Super bawal nga kasi. Panay consultants lang ng hospital ang nag-attend sa delivery ni DA,” bulalas ng aming informant.

 

“Anyway, lalabas din naman ‘yan in due time. Well, let’s give it to them dahil napakaga­ling nilang magtago.”
May pagdududa pa rin kami sa chikang ito, pero in fairness ay consistent ang informant namin. So, we will give it to him too.

Kung totoo nga ang claim ng aming informant ay tiyak na magbubunyi ang fans ni DA at ng sikat na aktor na sinasabing nakabuntis sa kanya.

 

Sabi nga, a baby is always a ­blessing, ‘di ba?

 

Panalo ang Holy Land photos na pino-post ni Ryan Agoncillo sa Instagram.

 

Itsurang si Ryan ang official photo­grapher ng “Eat Bulaga” Dabarkads na kasalukuyang nasa Israel.

 

Naalala namin kay Ryan si Francis Magalona na parang photog dati ng Dabarkads dahil mahilig kumuha ng pics si Kiko using his hi-tech cameras.

 

Marami ring pics na pino-post si ­Allan K, pero kay Ryan ‘yung artsy shots na pam-professional ang dating lalo na ‘yung mga black & white.

 

Ang ganda ng shots ni Rye kay Maine Mendoza, pati na rin kay Alden Richards na humabol doon sa Jerusalem.
Pati sina Mr. & Mrs. Tuviera ay kinukunan ng mister ni Judy Ann Santos. Marami rin silang group shots.

 

Pinost ni Alden ‘yung shot sa kanya ni Ryan na binubuhusan siya ng tubig sa ulo ng kasama nilang pari.
Renewal of baptism daw ang tawag doon.

 

Sa may Jordan River nagaganap ang pagbabasbas. Doon din lumulusong sa tubig ‘yung mga binibinyagan na nakasuot ng puti.

 

May kumalat na pics ng isang couple na lumusong sa ilog na ‘yon para binyagan sa tubig.

 

Nakatalikod ‘yung lalaki’t babae na ‘pag tiningnan mo ay parang likod nina Alden at Maine.

 

May mga nag-assume agad na AlDub ‘yon at sabay daw na nagpabin­yag ang dalawa sa Jordan River. But it turned out na fake news pala dahil hindi sila ang nasabing couple.

 

Ayun tuloy, sinisisi ng netizens ang sabi nila ay mga ‘paasa’ na AlDub fans. Kaya raw maraming ‘hibang’ dahil may mga gumagawa ng kuwento na katulad nu’n.

 

Malinaw daw na hindi AlDub ‘yon base sa mga lumabas na resibo pics. At saka wala naman daw Dabarkads na lumusong sa tubig.

 

So there. Tigilan na raw ang mga paasa dahil ang ending ay maba-bash na naman daw si Maine at sasabihan namang pa-victim si Alden.

 

Excited kami sa ‘coverage’ ni Ryan kapag nagpunta na ang grupo sa Petra, Jordan.

 

Ang ganda ng sikat na archaeological site na ‘yon na inukit sa kulay pink na sandstone cliffs na bet din naming marating someday.