Drama ni Alden trending sa socmed

Sa media influencers, paki-paliwanag nga po kung ano ang nangyari sa rating ng “The Gift”?

May agham po ba sa likod nito? Sabi niyo trending topic, ‘di lang sa atin, world pa kaniyo kaya paano maipapaliwanag na bongga sa social media, sa actual viewers, tinimbang ka ngunit kulang ang bagong drama ni Alden Richards?

Gusto niyo bang tanggapin namin na ganu’n na lang ‘yun? Na mananalig ba ako na mas marami talaga ang nag-tweet kesa sa nanood? Na dahil doon ang focus, ano ang nangyari sa team bahay, bakit walang nangalampag at nag-ingay na dapat manood ang lahat ng mga Kapuso?

Siyempre, hindi papalupig ang pag-asa. Laban kung laban. Hindi ito ang panahon na magpakalugmok. Mas lalong dapat maging inspirado, magsipag, ipakita at ipadama sa lahat na ito na talaga ang bagong “David” sa Primetime.

Basta ang diva that you love, Alden Richards supporter.

Sa mga basher at hater, puwede bago niyo i-dismiss na baduy o korni ito, panoorin niyo. Pakitapos. At believe me, you will emotionally surprised.

Gabbi-Khalil ‘di nakakakilig

May emote na tanong si Gabbi Garcia. Nakakakilig daw ba sila ni Khalil Ramos?

Siguro naman Bb. Garcia, alam na alam mo na ang sagot. ‘Di hamak na mas pangmalakasan ang harot, rahuyo at kilig ng lahat sa “The Panti Sisters”. Panalo ang mga baklang bayagan!

Ang ilan pang entries na mas kinikig sila keysa sa inyo ni Ramos ay ang “Open” at ang “Cuddle Weather”.

O, Gabbi, alam na alam mo na, huh.

‘Verdict’ pasok sa Oscars

Ang official press release: Crime-thriller movie Verdict has been chosen as the country’s official entry in the International Feature Film category at the 92nd Annual Academy Awards, the Film Academy of the Philippines announced on its Facebook page.

“We are pleased to announce that the movie #VERDICT, produced by CenterStage Productions, has been chosen as the official Philippine Film Entry to the International Feature Film (formerly Foreign Language Film) Category for the 92nd Annual Academy Awards or The Oscars,” said the film organization its post published Thursday.

Ang next Academy Awards will be held on Feb. 9, 2020.

May pag-asa?