Drama ni Lee Seung Gi nabitin sa baseball game

Halos lahat yata ng mga tagasubaybay ng isa sa most talked about Korean drama sa buong mundo na “Vagabond” ay naubusan na ng pasensiya ngayon sa SBS channel.

Nababasa namin ang mga komento ng mga netizen sa iba’t ibang social media platform. Halos lahat ay nagrereklamo sa balitang hindi maipapalabas ang last two episodes ng “Vagabond” ngayong Biyernes at Sabado, November 15 at 16 sa SBS channel.

May dahilan naman din na magalit at magreklamo na ang mga viewer ng “Vagabond” na pinagbibidahan nina Bae Suzy at Lee Seung Gi.

Ang dalawang magkasunod na Biyernes ay tinanggap ng mga ito na masasagasaan ng baseball game ang time slot.

Pero sa dalawang nakaraang Linggo, isang episode lang kada-Sabado ang umere, ang episode 13 at 14.

Nabibitin ang mga manonood dahil talagang kada episode ay makapigil-hininga ang mga eksena. Ang totally i-delay ang last two final episodes ngayong Linggo, nag-react na ang mga netizen na sumusubaybay rito. Sa November 22 at 23 na raw ipalalabas.

Bakit daw kailangang i-delay for next week at hindi na lang ipalabas on the same day on a later time slot? Tila katwiran naman ng SBS, mas posibleng maapektuhan ang ratings ng drama kung late na ito i-eere.

Naisip namin, posibleng magkaproblema rin sila sa mga advertiser kung iibahin ang time slot kaya siguro mas pinili nilang i-postpone na lang on the following week.

‘Yun nga lang, base sa mga comment, nagagalit at nagsa-suggest sila sa Triple Threat Star na sa ibang networks na lang daw gumawa ng susunod na drama. Feeling nila, unfair for Seung Gi ang ginagawa ng SBS.

Ilan sa mga comment na nabasa namin:

“Vagabond ratings will go down due to this baseball now i hate baseball.”

“Does south korean have their own sport channel??? why keep disturbing drama broadcasting??? they should have their own sport channel so that the baseball game can be aired without any disturbance…”

Sa isang banda, given na rin naman sa South Korea na dine-delay ang drama o variety kapag may tatamaang schedule ng mga national competition tulad ng baseball ngayon.

Bukod sa “Vagabond”, ang ongoing drama na “V.I.P.” ay delay rin sa parehong kadahilanan. Ito ay pinagbibidahan nina Lee Sang Yoon at Jang Narra.