Dramahan nina Bea, John Lloyd scripted

Scripted pala ang Instagram live nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Ito ang experimental film na pinamagatang “Love Team,” na sinulat at dinirekta ni Antoinette Jadaone.

Mula umano ito sa ideyang “The Unconfined Cinema,” na layong tuklasin ang iba pang porma ng paggawa ng pelikula at pagkukwento labas sa mga sinehan.

Sa magkaparehong IG post nina John Lloyd at Antoinette sa Instagram, sinimulan nila itong kwento sa pagsasabi ng “any resemblance to persons, living or dead, is intentional.”

“In this unprecedented time of quarantine, in a time when movie production is impossible, we found it especially pressing to find ways to tell our stories … We are in a culture where the usually distinct line between reality and make-believe blur,” part ng caption.

“The Unconfined Cinema invites filmmakers and artists to join us in exploring the possibilities of our cinema. Not just on Instagram, but on every stage imaginable,” sambit niya pa nila.

Matatandaang Abril 11 inanunsiyo nina Bea, Lloydi, at Tonet sa kanilang IG accounts ang nasabing love story project. (SDC)