TALAVERA, Nueva Ecija — Pananakal ang ikinamatay ng isang 48-anyos na tricycle driver na natagpuang nakahandusay sa Purok 7, Brgy. Bakal 1 sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Supt. Leo Novilla sa tanggapan ni Ma­yor Nerivi Santos-Martinez, nakilala ang biktima na si Eduardo De Leon Rodriguez, residente ng Brgy. Bakal Uno rito, na natagpuan ng isang magsasaka na na­kagapos pa ang mga kamay at paa, dakong alas-4:20 ng madaling-araw.

Agarang ipinarating sa pulisya ang pangyayari, hanggang naisagawa ang kaukulang proseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team.

Dahil walang bakas ng sugat o tama ng baril sa katawan ng biktima ay idineklarang pananakal ang sanhi ng kamatayan ng biktimang ipinapalagay na isang drug personality.