Drew Arellano nabiktima sa kapalpakan ng PAL-Lucio Tan

Nabiktima ng kapalpakan ng Philippine Airlines ang biyaherong si Drew Arellano.

Nung nakaraang linggo, palipad pa­puntang Laoag City si Drew sa PAL flight na PR2196.

Ayon sa kanyang ticket, sa Terminal 3 siya dapat sumakay para sa kanyang flight na 11:35 am ang lipad. Pero, sabi sa boarding pass niya, Terminal 2 siya dapat pumunta. At dahil frequent flyer si Drew, sinunod niya ang nakalagay sa boarding pass.

“Deserving rant,” sabi ni Drew. “Ticket read Terminal 3 departure for Laoag. Boar­ding pass reads ‘TERMINAL 2.’ So I enter terminal 2 and I hear them announce that departure will be from TERMINAL 3.”

May limang kilometro ang layo ng NAIA terminal 2 sa Terminal 3. Stressful din ang traffic sa may airport.

Tinanong ng Tonite si PAL spokesperson Cielo Villaluna kung paano nangyari na magkaiba ang terminal na naka print sa ticket at sa boarding pass pero hindi siya nagbigay ng pahayag.
Ang PAL ay minamay-ari ng bilyonaryong negosyanteng si Lucio Tan.