Drew Barrymore ini-stalk nina Lovi at Heart

Drew Barrymore

Marami sa fans ni Drew Barrymore ang nagalak nang malaman na nandito siya sa Pinas.

Isa na rito ang Someone To Watch Over Me star na si Lovi Poe na ­hindi napigilang ma-­excite nang malaman niya na nandito sa ­Pilipinas ang idol niya.

Sa kanilang Instagram post, nakakatuwa ang palitan ng messages nina Lovi at Heart Evangelista patungkol sa pagdating ni Drew Barrymore sa bansa.

Sabi pa nila dapat na i-stalk nila ito.

***

Natanggal agad sa YouTube ang 2nd teaser ng Search for One-Side Bikini King.
Masyadong mapa­ngahas iyon sa pamantayan ng ‘online community.’

Naiwan sa YouTube channel na Hamog sa Hamog ang 1st teaser na incomplete ang line-up.

Ang paligsahan ay sa Sabado (Setyembre 24) nang gabi sa One 690, #39 Roces Av, QC.
P300 ang tiket sa ­pa­labas.

1st day ng Hermano Puli, matamlay

Heart Evangelista
Heart Evangelista

BLAME it on the rain, medyo matamlay ang unang araw ng showing ng indie films na Hermano Puli (Aljur Abrenica),  I America (Bela Padilla) at Tuos (Nora Aunor & Barbie Forteza) na nag-showing kahapon.

Mas interesado pa yata ang mga tao sa Congressional at Senate hearing na mas kahindik-hindik ang plotlines kaysa Train To Busan.

***

Nag-baby shower ulit si Mariel Rodriguez-­Padilla sa Marco Polo Ortigas at dumalo ang kanyang mga kaibigan mula sa showbiz.

Nandu’n din at ­dumalo ang asawang si Robin Padilla.

On leave na  si ­Mariel pati na ang anytime ay manganganak nang si Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother kaya si ­Bianca Gonzalez-Intal ang nag-take over na sa main hosting chores sa PBB.

***

Tumataba si Enrique Gil. Kitang-kita ‘yan sa pagge-guest niya sa ­Pinoy Big Brother.

Dapat pagpayuhan si Quen na mag-work out at magpapayat at iwasan na ang pagta-topless dahil umaalagwa ang kanyang mga bilbil.

Fanny, inatake!

May prayer request ang mga kaibi­gan ni Tita Fanny Serrano na isinugod sa Heart Center due to a mild stroke.

Get well soon TF!

***

Lovi Poe
Lovi Poe

Mahusay (as usual) si Epi Quizon sa kanyang pagganap bilang bakla sa Kapuso afternoon show na Oh, My Mama!

Maraming netizens ang bumilib pa lalo sa acting skills ni Epi dahil sa pagiging natural nito.

Kaabang-abang ang magiging turnout ng role ni Epi bilang ba­ding na tatay ni Inah de Belen.

***

Kasabay ng mas umiinit at ­tumitinding mga eksena sa afternoon series na Sa Piling Ni Nanay ng GMA 7 ay tumataas ang TV ­ratings nito.

Kaya ang lead star nito na si ­Yasmien Kurdi, nagpasalamat sa ­lahat ng tumatangkilik sa kanilang serye.

Ayon sa post ni Yasmien sa Instagram, nakakuha ng NUTAM rating na 5.3 ang Sa Piling Ni Nanay noong Lunes.

Lamang ito ng 0.7 sa katapat nitong The Greatest Love.

***

May bagong blessing na natanggap ang Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Opisyal na kasing nagbukas ang bagong branch ng kanyang negosyong Book and Borders Cafe sa Eastwood.

Ito ang pangatlong branch ng cafe ni Benjamin.

Ang una ay nasa Tomas Morato Avenue sa ­Quezon City at ang pangalawa ay sa McKinley Hill sa Taguig.

Bukod sa kanyang mga negosyo, abala rin ang Kapuso actor sa paghahanda sa kanyang upcoming show sa GMA na Pinulot Ka Lang sa Lupa kung saan makakatambal niya ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

***

Halatang in love na in love sina LJ Reyes at Paolo Contis sa kanilang posts sa social media.
Pagdating sa kanilang showbiz careers, todo ­suporta rin sila sa isa’t isa.

Kamakailan, nag-congratulate ang aktres sa newest achievement ni Pao — ang bago niyang show sa Kapuso Network na Alyas Robin Hood.

Ani LJ, “Tapat sa serbisyo at mabuting alagad ng batas! Abangan si Daniel sa #alyasrobinhood!­ Mamaya na pagkatapos ng #Encantadia!­ ­Congrats @paolo_contis on your new show!”