Inulan ng samu’t saring batikos si Drew Arellano kaugnay ng nai-post niyang mensahe sa kanyang Twitter account.
Sey niya: We are the virus, and covid ‘s the cure really.
Marami ang nag-react sa nasabing post dahil napaka-insensitive raw nito lalo pa’t dumarami ang nagiging biktima ng nasabing deadly virus.
Bagamat may nakakaintindi na gusto lamang i-uplift ni Drew ang spirit ng nade-depress sa kasalukuyang state of the nation, dapat isaalang-alang din daw nito ang kanyang responsibilidad bilang mamamayan, asawa at ama.
Sa panahong ito, importante rin daw na hindi siya nagkakalat ng maling pahayag lalo pa’t marami ang tumitingala sa kanyang mga kabataan.
Pagkatapos makatanggap ng bashing, humingi naman siya agad ng paumanhin sa kanyang mga na-offend sa nabanggit na post.
Sagot naman ng isang netizen: There is more to this than insensitivity, so I hope you find someone close to u who can educate you more. Ppl look up to u, so sana there’s a proper apology soon. Not for us. But for yourself, cos that means u actually learned from this. (Archie Liao)