Drilon nakatulog sa interview ni Pinky Webb?

Mandato ng MMDA sa EDSA repasuhin

Kumalat sa social media ang vi­deo kung saan tila nakatulog si Se­nate Minority Leader Franklin Drilon habang kinakapanayam sa telebisyon ng broadcaster na si Pinky Webb sa programa nitong The Source sa CNN.

Sa video clip na binahagi ni Twitter user @mentallergies, makikitang nakayuko si Drilon habang tinatanong ni Webb tungkol sa mga proposed joint resolution na inihain sa Senado at Kamara.

Natawa si Webb nang mapatingin ito sa nakayukong si Drilon.

Magugunitang palagiang nahuhuling natutulog si Drilon kapag napupunta sa kanya ang mga camera sa mga hearing ng Senado sa sessio­nal hall. (Issa Santiago)