Sinopla ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto ang deklaras­yon ni Senator Franklin Drilon na dead na ang panukalang death penalty sa Senado.

Ikinagulat ni Sotto kung ano ang naging batayan ni Drilon para sabihing patay o imposible nang makapasa sa Senado ang panukala gayong hindi pa nagsimula ang debate ukol dito.

“Hindi pa kami nagde-debate diyan, paano niya nasabi ‘yun,” ayon pa kay Sotto.

Ayon sa senador, mala­mang sa buwan pa ng Oktubre o Nobyembre­ maaari nilang simulan ang debate ukol sa ­panukala.

Aminado si Sotto, sa ngayon ay maaaring sasabihing nakakalamang ang bilang ng tutol sa panukala ngunit oras na simulan na ang debate partikular ang krimeng saklaw dito ay nakakasi­guro umano siyang marami ang susuporta.

Tinukoy ni Sotto ang high level drug trafficking or manufacturing na isa umano sa itutulak niya na pangunahing krimeng saklaw ng death penalty.

7 Responses

  1. death penalty for selected high-level crime like drug-trafficking, first degree murder, rape at dapat isama ang plunder para matakot ang mga corrupt sa gobyerno.

    1. KAYA NA HINDI DAPAT PUMASA KASI AYAW NILANG MADAMAY, KUNG PARA SA DRUG PROBLEM HINDI NA NAMAN KAILANGAN KASI KAHIT MGA INOSENTE MARAMI NA ANG PINATAY NA WALANG HEARING.