Buking ang dalawang bote ng alak na tinangkang ipuslit ng 36-anyos na nagpakilalang Grab driver sa isang checkpoint pero naaresto dahil sa kawalan nito ng quarantine pass at lisensiya sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa RA 4136 o driving without license at Provincial Ordinance 271-2020 ang naarestong suspek na si Renlod Bravante ng JV Roxas, Makati City.

Sa ulat ni PSSgt. Mark Francis Cortes ng Bacoor City Police Station, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang dumaan ang suspek sa kahabaan ng Daang hari Road sakop ng nasabing lungsod nang parahin siya sa checkpoint.

Nagpakilala itong Grab driver at idinahilan na meron itong inihatid pero nang hanapan ng quarantine/travel pass ay wala itong naipakita kaya hinanapan siya ng driver’s license pero wala rin ito hanggang sa napansin ang isang bote ng Johnie Walker at Black Label na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Dinala ang suspek sa Bacoor City Custodial center. (Gene Adsuara)