Nagtungo sa ­National Bureau of Investigation–Death Investigation Division (NBI-DID) ang dri­ver ng kotseng nakabangga ng nasawing motorcycle rider na si John Dela Riarte para ­ihayag na nakahanda siyang ma­ki­pagtulungan sa isina­sagawang ­imbestigasyon ng binuong joint task force sa insidenteng nang­­yari noong Hulyo 29 ng umaga sa Makati City.

Dakong alas-3:20 ng hapon kahapon nang dumating sa NBI-DID si Eric Fajardo kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ricardo Chan.

Nabatid na babalik sa NBI-DID si Fajardo para magsumite ng kanilang affidavit at ebidensya kaugnay sa pangyayari na nag-ugat kung bakit inaresto si Dela Riarte na humantong sa pamamaril sa kanya ng isang tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Samantala, inaasahan din ng NBI-DID na dara­ting ngayon ang dalawang miyembro ng PNP-HPG na sina PO3 Jeremiah De ­Villa at PO2 Jonjie Manon-og para magbigay ng kanilang salaysay kaugnay sa naganap na insidente.