Muling nadagdagan ang bilang ng mga tulak ng droga na napapatay sa pamamagitan ng summary execution nang isang tricycle driver na umeekstra sa pagtutulak ng shabu ang brutal na pinaslang sa Brgy. Encanto, Angat, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang biktima ng pulisya na si Rogelio Paredes, 42, ng Barangay Sto. Cristo, Angat na brutal na pinaslang ng mga hindi kilalang salarin matapos balutan ng packaging tape ang mukha, itali ng alambre ang kamay at paa at taniman ng bala sa katawan bago nilagyan ng plakard na tulak ito at ‘wag tularan.

Nakumpirmang ang biktima ay kabilang sa sumurender sa Oplan Tokhang ng awtoridad kamakailan ngunit sinasabing muli itong nagbalik sa kanyang dating iligal na hanap-buhay hanggang sa matagpuan itong walang buhay sa nasabing lugar matapos dukutin ng mga hindi kilalang armadong suspek.