Isu-subpoena ng House Justice Committee ang dating bodyguard driver ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan sa pagpapatuloy ng imbestigasyon nito ukol sa paglaganap ng illegal drugs sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, hindi na imbitasyon ang kanilang ipapadala kay Dayan dahil na rin sa nagtatago ito. Sakali umanong isnabin ang subpoena ay mapipilitan na ang Kamara na nag-isyu ng warrant-of arrest laban dito.
Si Dayan na sinasabing boyfriend ni De Lima ay ilang beses na nabanggit sa imbestigasyon ng Kamara.
Tinukoy ito nina National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Rafael Ragos at NBI agent Jovencio Ablen na tumanggap ng P10 milyon na kanilang dinala sa bahay ni De Lima sa Parañaque si Dayan din ang siyang tinuturo ng mga presong drug lords na siyang lumapit sa kanila para magbenta ng illegal drugs at pondohan ang election bid noon ng senadora.
Samantala, kinumpirma ni Umali na nagpasabi rin sa Secretary ng Justice Committee si dating Bucor Director Franklin Bucayu na dadalo ito sa susunud na pagdinig sa Oktubre 5 para linisin ang kanyang pangalan matapos itong idawit na tumanggap ng P1.2 milyong drug money sa mga drug lord.
Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na wala pa rin silang impormasyon hinggil sa pinagtataguan ni Dayan.
Sinabi pa ni Aguirre na ilalabas na rin sa tamang panahon ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa bank accounts na may kaugnayan sa sindikato ng droga drug sa loob ng NBP.
Ang nakasulat ay tarantado itong si Mike Enriquez ng DZBB mm hahaiiikkk .. halatang halata ang kissass sa mga Lopeses , hahahaiikkheheheh ,, listen to the his program in the morning.. stupid shit head yan si Mike .. ahahhahikkkhheheheheh
BAGO HANAPIN SI dayan,,HANAPIN MUNA NINYO SINA LIMLINGAN AT BATOTOY,,