Hindi kakasuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang driver ni Sen. Leila de Lima dahil puwede umano itong magamit bilang testigo laban sa senadora.

“Bakit ko siya kakasuhan? Puwede ko naman siyang gawing witness,” ayo­n sa Pangulo sa isang ambush interview sa Camp Siongco sa Cotabato City, Maguin­danao kahapon.

Hiningan ng reaksyon ng media si Duterte sa emosyonal na pananalita ni De Lima na inakusahan nito na pagi­ging immoral.

“Kasi totoo. Kasi totoo nahuli siya. Imagine he took oath to the public… ta­king in your driver as paramour?” anang Pangulong Duterte.

Personal na lumutang kahapon ng hapon ang Presidente Duterte sa kampo ng mga sundalo kung saan ibinurol ang mga labi nina Cpl. Jose P. Miravalles at Pfc. Jay Pee Z. Duran na nasawi sa military operation.

Ayon pa sa Pangulo, marami siyang puwedeng gamiting testigo. “Marami akong gagamitin, gagamitin ko ang mga preso. Gagamitin ko ang lover niya, na driver niya.”

Binigyang-diin pa ng Pangulong Duterte na bahagi ng pagiging lingkod-ba­yan ang mabatikos lalong-lalo na at ang senadora ang gumawa ng sariling iskandalo.

“She created the scandal she knows that she is a public official iskandalo na ‘yan sa human rights iskandalo na niya ‘yan sa Justice Department, spare the family? …pagka nasa public office ka De Lima your life is an open book,” pagdidiin ni Duterte.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na hindi siya ang lumagpas sa guhit o sumobra sa pag-atake kung hindi ang senadora.

“I did not (go overboard) but she did. Pinagbibintangan niya mga pulis na ganu’n-ganu’n… (p… ina) namamatay na nga ‘yung pulis o. Gaga… bakit siya magsasalita wala ebidensya?” pahayag pa ni Presidente Duterte.

4 Responses