Drpa bubuhay sa Cocolife

marta-drpa1

Team Standing:
F2 Logistics 8 – 1
Petron 8 – 1
Cocolife 6 – 3
Foton 5 – 4
Sta. Lucia 4 – 5
Cignal 3 – 6
Generika-Ayala 2 – 7
Smart 0 – 9

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:15 pm – Petron vs Cocolife
7:00 pm – F2 Logistics vs Foton

Seryoso ang Cocolife sa kanilang kampanya kaya ipaparada nila ang bagong import laban sa Petron sa penultimate day ng classification ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Nasa pangatlong puwesto ng team standings tangan ang 6-3 card, haharapin ng Asset mana­gers ang Blaze Spikers sa alas-4:15 ng hapon.

May kartang 8-1 ang Petron, kasalo nila sa top spot ang defending champion F2 Logistics.

Ibabandera ng Asset Managers si Serbian national team member Marta Drpa na pinalitan si American Tylor Milton sa event na suportado ng Isuzu at UCPB Gen kasama ang ESPN5 bilang official broadcast partner

Makikipagkaldagan naman ang Cargo Movers sa Foton, alas-7 ng gabi.

Galing sa talo ang Petron, luhod sila sa Sta. Lucia Realty habang ang reigning champion F2 Logistics ay pinagpag ang Cignal sa kanilang huling laro.

“Our last game against Foton will be very crucial as it determines our pla­cing in the next round,” ani F2 Logistics coach Arnold Laniog.

Pagkatapos ng cla­ssification, magkakaroon ng twice-to-beat incentives ang top four teams, makakalaban ng No. 1 ang No. 8, No. 2 kontra No. 7, No. 3 laban sa No. 6 at banatan ang No. 4 at No. 5.