Arestado ang apat na Chinese national sa isinagawang buy-bust operation, sa Malate, Maynila Sabado ng umaga.

Nakadetine sa Manila Police District-Police Station 5,ang mga suspek na sina Zilong Wang, 26 ; Yang Xoafei, 30; Yang Kun, 24; at Hao Ming Cu, 26, mga kapwa nanunuluyan sa #2109 Oyo, Hotel, Maria Orosa St., Malate.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang isagawa ang buy bust operation sa mismong tinutuluyang hotel ng mga suspek kung saan target ng operasyon si Chekwa.

Nang maiabot ang buy-bust money kaagad na pinosasan ang mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang 16 sachet ng shabu na may street value na P306,000, 10 tableta na kulay pula, buy-bust money na P500.

Ayon kay P/Lt. Job Jimenez ng MPD-PS5, sasamapahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)