Drug den nilusob, 1 humandusay

dead-body

Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga awtoridad nang salakayin ng mga ito ang isang paupa­hang bahay na ginagawa umanong drug den sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng C­aloocan City Police, ganap umanong ala-una ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tip mula sa concerned citizen hinggil sa pot session umano sa bahay sa Libis Espina, Brgy. 20 ng lungsod.

Agad silang napasugod sa lugar at pagdating pa lamang sa harap ng sinasabing bahay ay doon na nila nakita ang suspek na nakilala lamang sa Alyas na Bakal, ngunit nang makita nito ang mga awtoridad ay agad niyang pinaputukan ang mga ito.

Mabilis namang gumanti ng putok ang pulisya na nauwi sa agarang kamatayan ni Bakal.

Tila nakatunog naman agad ang mga tao sa nasabing bahay at nang pasukin na nga ng mga awtoridad ito ay wala nang natagpuan sa loob.

Na-recover ang isang .22 caliber na baril at mga plastic ng shabu na inalaam pa ang dami.

Ayon naman sa may-ari ng bahay na si Rowena Arce, hindi nila alam na ginagawa palang drug den ang kanyang paupahan.

Napag-alaman pa na hindi residente sa lugar ang napatay.