Bukod sa Abu Sayyaf Group (ASG), pinaghihilaan din ng administrasyong Duterte ang drug lords na may pakana sa pambobomba sa Davao City nitong Biyernes na ikinamatay ng 14 at pagkasugat ng higit 60 katao.

Ito ang ginawang pag-amin ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar sa isang programa ng government run radio network kahapon.

“We cannot deny the fact that we also have enemies in the drug lords. And we cannot deny it that these drug lords are also well funded, and they have their own nefarious interest to protect. So, it’s part of the menu of suspects that we have.” wika ni Andanar.

“But in the scale of one to hundred percent no, we’re looking at it at about 15% may be responsible for the bom­bings; maybe about 80% may responsible po iyong mga terorista, iyong mga bandido; at iyong 5% ay iyong mga maliliit na mga breakaway groups . And that’s what the President said during our meeting” dagdag ni Andanar.

Matatandaan na ­inamin ng ASG ang ginawang pambobomba sa Davao City bilang ganti sa isinasagawang operasyon ng militar sa kanilang grupo.

Umabot sa 14 katao ang namatay habang higit sa 60 ang sugatan nang sumabog ang improvised explosive device sa mataong night market sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng Davao City, hometown ng Pangulo.

Simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsagawa na ito madugong kampanya laban sa iligal na droga.

3 Responses