DRUG MATRIX PINANINDIGAN NG MALACAÑANG

Matapos maliitin at pagtawanan ni Sen. Leila­ de Lima ang inilabas na matrix­ ni Pangulong ­Rodrigo Duterte, nanindigan naman si Presidential Communications ­Office (PCO) Secretary Martin Andanar na sumailalim ito sa “thorough validation” at produkto ng masinsinang imbestigasyon.

Ayon kay Andanar, kaya ginawang installment ang paglalabas ng matrix ay siniguro muna ni Pa­ngulong Duterte na ang mga pangalang nakalista ay kumpirmadong sangkot sa drug trade sa bansa.

Aniya, ang matrix ay produkto ng pinagsamang “intelligence ­efforts” ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP).

“Just like the matrix before, those mentioned in the President’s previous­ revelations are given the chance to submit their counter affidavits indica­ting that they have no i­nvolvement in whatsoever capacity in the illegal drug trade,” ayon sa kalihim.

Kung kuntento na umano ang PDEA at ang PNP at may prima facie evidence laban sa mga nabanggit sa listahan, maaari nang isampa ang kaso laban sa kanila katulad ng sinapit ng dalawan­g ex-general na naunang pinangalanan ng Pangulo.

Sa kaso naman ni De Lima, tiwala si Andanar­ na may malakas na ebidensiya ang Pangulo laban sa dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) na siyang may hawak sa New Bilibid Prison­ (NBP) kung saan namayagpag ang operas­yon ng mga drug lords.

“We know Senator De Lima is no ordinary person. She is a Senator of the Republic and President Duterte would not mention her name if he did not have the evidence to back the claim,” diin ni Andanar.

Nauna rito, binuweltahan ni De Lima ang drug matrix at tinawag pa itong “worst matrix of all times”.

“Sobrang katawa-tawa­ ito,” pambubuska ni De Lima. Kahit umano 12-anyos na bata ay ka­yang gumawa ng ganu’ng klase ng matrix.

“Was it a joke? Like most of his jokes before, this latest one he will surely regret. But yes, please amuse me at how his men have desperately­ tried to link me with the ‘Muntinlupa Connection’­ flick. Where is the so-called drug link or links,” ani De Lima.

“It does not surprise me anymore to hear it from someone who had long professed to des­troy me at all cost like the many tirades thrown at me these are bound to fail again with all of these trumped accusations,” giit ng senadora.

Ayon kay De Lima, nababagay lamang sa basurahan ang matrix ni Duterte.

“As I have often said, I will not dignify any further this so called drug matrix which any ordinary lawyer knows too well properly belongs to the garbage can,” ayon pa sa senadora.