Dalawang lalaki ang patay habang pito katao ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang drug operation kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.
Inilarawan ni PO3 Jorlan taluban, ng MPD-homicide section ang biktima na pawang nasa edad 30-35, ang isa ay nakasuot ng light blue na T-shirt at itim na short pants habang ang isa naman ay nakasuot ng itim na sando at kulay gray na short pants.
Kabilang naman sa pitong naaresto sina Vilma Gargarita, 65; Carlito Catalan, 57; at ang dalawa nitong mga anak na sina Joseph Gargarita; 18 at Jon, 16; kasama pa sina Myla 15; Joselito Pulidoy, 18 at isang Jadoy Amper, 32-anyos, na pawang residente ng Hermosa St., sa Tondo.
Alas-3:10 ng hapon nang mangyari ang insidente matapos na magsagawa ng Oplan Tokhang ang ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug Special Operation Task Unit ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7 sa riles ng tren, malapit sa Hermosa St., sa Brgy. 200 sa Tondo.
Ayon kay C Insp. Manny Israel, hepe ng MPD-PS 7 SAID-SOTU nanlaban umano ang dalawang biktima na pawang armado ng .38 kalibre ng baril kaya napilitan ang mga pulis na gumanti sa kanila na ang resulta ng kanilang kamatayan habang mapayapang sumuko ang pitong naaresto.
2 LANG ANG PATAY??? SANA UBUSIN NYO NA PLEASE…HAHAHAH