Iginiit kahapon ni Senador Leila de Lima na hinding-hindi siya dadalo sa gagawing im­bestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw na ito hinggil sa kanyang pagkakadawit sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa halip, tinawag nitong isa lamang ‘sham inquiry’ ang imbestigasyon at layunin lamang ay pahiyain siya dahil pawang wala umanong katotohanan ang mga alegasyong inilulutang laban sa kanya.

“I’m not at all recognizing that proceedings. It is a sham inquiry, with no objective other than to demolish or destroy me, upon orders of the President,” ayon kay De Lima.

Nauna rito, sinasabing kabilang sa haharap sa Kamara ang isang convicted drug lord para ituro si De Lima protektor ng drug trade sa loob ng NBP.

“Anumang testigo o ebidensiya ang ilalabas nila ay walang katotohanan, lahat ay galit sa akin ang mga ‘yan dahil sa pag-raid ko noon sa kanila kaya walang katotohanan yan,” giit pa ni De Lima.

Ngayong umaga ay sisimulan na ng House committee on Justice na pinamumunuan ni Orien­tal Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang pagdinig sa paglaganap ng droga sa NBP noong panahon ni De Lima sa Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga ihaharap na saksi ay ang high-profile inmates, government officias, law enforcers at iba pa.

Ayon kay House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers, makalaglag upuan ang mga testimonya.

“Palagay ko, hindi lang mayayanig. Eh kung nakaupo baka malaglag pa sa upuan,” ani Barbers subalit tiniyak nito na ‘in aid of legislation’ ang pagdinig.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez na hindi ganti kay De Lima ang imbestigasyon ng Kamara.

5 Responses

  1. Ano ba yan wala pa yung imbestigasyon ng congress, defensive ka na. Kesyo galit sa iyo yung mga witness dahil sa ginawa mong raid before. Hello!!! Dapat mas galit sila sa administration ngayon kasi inalis yung VIP treatment nila sa NBP na natikman nila nung nasa DOJ ka pa. I’m sure kung papapiliin ang mga drug lords ng susuportahan ikaw yun dahil spoiled sila. Wag magpahalata, obvious ka na tuloy

  2. Dapat mag attend ka d5 , ipakita mo rin sa kanila na matibay ang upuan nyo, o di kaya sabhin nyo na Hindi ikaw ang nasa video kung Hindi ay clone nyo lang ang mga yun , at sabhin nyo rin na ang pirang inaabot sa inyo ay galing sa pagtitinda nyo ng tawas, o di kaya para mas madali para sayo handa mo nalang ang wheelchair nyo,

  3. pag hindi ka umatend sino magtatangol sayu,,puro kalaban mo magsasalita,,para kang si Binay na guilty agad,,,humarap ka at para matanong mo si Colangco kung totoo sasabihin niya,,,

  4. Wag u po tularan ang mga Binay na ayaw harapin ang mga kaso nila, gud as guilty ka na po kapag ganun ang ginawa u o baka naman totoo kaya takot ka humarap

  5. humarap ka na lang po senator! unfair naman yun sa mga pinaharap nyo nuon sa hearings nyo kung di paninira panu mo ipapaliwanag ang concert mo sa bilibid at pic nyo ng mga druglords! kakahiya ka