Isang notorious shabu pusher na kabilang sa watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ang napatay makaraang manlaban sa buy-bust operation sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Rizalino A. Andaya, Norzagaray police chief, ang napatay na suspek na si Cristito Calimpas, nasa hustong gulang ng Sitio Lupa, Barangay Matictic, Norzagaray na namatay sa pinangyarihan ng engkuwentro bunga ng tama ng bala sa katawan matapos manlaban gamit ang improvised shotgun.
Alas-8:40 ng gabi nang isailalim sa buy-bust opeĀration ang suspek nang magpakilala ang poseur-buyer na pulis-Norzagaray kaya pumasok ito ng kanyang bahay at kumuha ng shotgun at pinaputukan ang operatiba ng Norzagaray-PNP na napilitang gumanti at matapos ang maikling engkuwentro ay duguang bumulagta at wala nang buhay si Calimpas.