Binalaan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga barangay chairman at iba pang barangay officials, kasunod ng nangyaring drug raid kamakalawa ng umaga sa Quiapo area na nagresulta ng pagkasawi ng isang barangay chairman na si Faiz Macabato ng Barangay 648, matapos na manlaban sa pulisya.
Sinabi ni Estrada na walang sasantuhin sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
“I warned them already, nu’ng araw pa,” sabi ni Estrada sa mga opisyal ng barangay na sangkot sa droga.
“Magsilbi sana itong warning sa kanila. Walang ‘sacred cow’ sa ating anti-drug campaign. Wala kaming sisinuhin,” wika pa ng alkalde.
Hindi na umano niya ikinagulat na drug protector pala si Chairman Macabato dahil hindi ito nag-submit ng listahan ng mga adik at pusher sa kanyang lugar sa kabila ng ilang ulit na paalala ng pamahalaang lungsod dahil malaking tulong ito sa mga pulis.
“Hindi siya nagbigay ng listahan. It was his choice. He resisted,” ayon kay Estrada.
Hindi na umano siya nasorpresa na may mga barangay chairman na protektor ng iligal na droga dahil kahit nga alkalde ay mga protektor din ng iligal na droga.
Maraming mga sangkot sa droga ay mga Muslim. Dapat linisin at alisin na sa lipunan ang mga gaggong iyan.