Patay ang isang dating drug surrenderee matapos na ito’y barilin sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Ipilan, Tayabas City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Marlon Suarez Zafranco, 45 anyos.
Batay sa report ng Tayabas City police, bandang alas-11:30 ng gabi, natutulog na ang biktima ng puwersahang wasakin ng suspek ang pinto ng bahay nito.
Nang makapasok ay dalawang beses na binaril ang biktima na nagtamo ng mga tama sa ulo na agad nitong ikinamatay.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril at masigurong napuruhan si Zafranco habang patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa nangyaring krimen.