Patay ang isang dating drug surrenderee matapos itong pagbabarilin ng ‘di nakilalang gunman sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marlon Lutao, surrenderee ng Oplan Tokhang sa Calamba City.

Batay sa report ng Calamba police, bandang alas-9:35 ng gabi, nakatayo si Lutao sa gilid ng kalsada sa Purok 2, Barangay Bucal, National Highway nang biglang pagbabarilin ng suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang ­bahagi ng katawan at agad nitong ikinasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at ­inaalam ang motibo ng nakatakas na suspek sa krimen.