Drug suspect sa Nueva Ecija todas sa riding in tandem

riding-in-tandem

QUEZON, Nueva Ecija –— Pinaslang ng mga ‘di pa nakikila­lang salarin ang number 1 drug perso­nality sa Barangay Drug Abuse Council ­(BADAC) dito noong Lunes ng hapon sa kaha­baan ng Tomas Joson Ave., Barangay 2, sa ­bayang ito.

Sa ulat ni P/Sr. Jay Cabrera sa tanggapan ni Mayor Mariano Cristino Joson nakilala ang biktima na si Abdon Baya­ngos Ramiscal Jr., 37, resi­dente ng Barangay Bertese, sa bayang ito.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO2 Jose Carlo Trinidad na dakong alas-singko ng ha­pon nakaupo ang biktima sa nakaparada nitong tricycle malapit sa Holy Family Aca­demy School sakop ng Brgy. 2, nang lapitan ng mga killer na naka-helmet at kulay itim najacket sakay ng motorsiklong walang plaka.

Dalawang beses pi­na­putukan sa ulo ang biktima na namatay noon din. Tumakas naman ang mga salarin patungong bayan ng Guim­ba.