Isasalang muna sa drug testing ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bago ibaba ang kanilang promotion.

Ito na ang bagong requirements ng AFP para sa promotion ng ­militar para matiyak na walang mga sundalo at civilian employees ang gumagamit ng illegal drugs.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, ang nasabing hakbang ay bahagi ng misyon ng pamunuan ng AFP na gawing drug free ang lahat ng military camps.

Sinabi ni Arevalo na bukod sa promotion, required na rin ang drug testing sa schooling at pagtalaga sa mga key positions sa lahat ng mga miyembro ng militar.

Babala naman ni Arevalo sa mga sundalong magpopositibo sa ilegal na droga na posibleng masibak sa serbisyo.

Pagtiyak ng AFP na hindi selective ang bagong inilabas na polisiya ng AFP.

Aniya, hindi ­abswelto ang mga matataas na opisyal ng AFP at maging sa Department of National Defense (DND).

One Response

  1. MABUTI NA LANG PALA AT WALANG DRUG TEST NUONG ELEKSYON SA PAGKA-PRESIDENTE, EH HINDI SANA NAKALUSOT ANG AMO NAMING SI DIGONG HEHEHEHE