Nagsagawa ang Department of Health – MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque Romblon, Palawan) ng random drug testing sa lahat ng empleyado ng ospital sa Oriental Mindoro Medical Center sa Calapan City.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, layunin nito na matiyak na hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga nurse, doctor at iba pang health workers na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.
“Patients and their family members must better be protected from preventable harm that may cause by an impaired physician or a nurse who is a drug user,” ayon kay Janairo.
Ayon kay Janairo target ng kanilang RDT activity ang may 250 hospital employee.
Samantala, may ibang hospital staff ang boluntaryong nagsumite ng kanilang sarili sa drug test.