Drug war sa mga barangay

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa na maglaan ng pondo para sa anti-drug campaign ng bawat barangay.

Alinsunod sa Board Regulation No. 4, Series of 2016 ng Dangerous Drugs Board (DDB), binigyang mandato ang 145 cities at 1,489 municipalities sa buong bansa na magbigay ng monitoring mechanism sa kabuuang 42,036 barangays sa buong kapuluan para sa anti-drug abuse campaign ng pamahalaan.

“The drug problem is a national problem that can be targeted and solved at the barangay level,” ani DILG Secretary Ismael Sueno.

Sa bawat barangay, kailangan umanong magtatag ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na pamumunuan ng punong barangay at bubuuin ng auxiliary team mula sa mga kagawad, barangay tanod at mga lupon.

Mismong mga punong barangay ang magtatakda at magsusubi ng pondong kakailanganin ng BADAC sa loob ng isang taon at isasalang ito sa budget deliberation ng Konseho ng lokal na pamahalaan.

Ang pagtatayo ng BADAC sa bawat barangay ay nakapaloob sa Memorandum Circular No. 2015-063 ng DILG na inilabas noong July 2015.