Bumaba na sa 80 hangang 90% ang supply ng iligal na droga sa loob ng dalawang buwang pina­igting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa sa pagbisita nito sa Region 5 Police at Camp Simeon Ola sa Legazpi City.

“We are posting tremendous grains and slowly but surely winning the streets from the illegal drug menace while removing the fear of crime and violence in the hearts of our countrymen,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Giit pa ni Dela Rosa na dahil nangawala na ang halos lahat ng drug personalities sa lansa­ngan, naging payapa na ang paligid at nabawasan ang mga street crimes.

One Response